TACLOBAN CITY – Aabot sa 65 miyembro Ng delegasyon sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) ang isinugod sa mga ospital sa Ormoc City matapos na mabiktima ng food poisoning.

Ayon kay Police Chief Inspector Rex Cantillep, tagapagsalita ng Ormoc City Police Office, sumakit ang tiyan ng mga atleta matapos makakain umano ng panis na pagkain.

-- Advertisement --

Itinakbo ang 20 biktima sa Ospa Farmers Medical Center, 30 naman ang isinugod sa Ormoc District Hospital, samantala 16 na iba pa ang dinala naman sa Ormoc Doctors’ Hospital.

Maswerteng kaagad na nalapatan ng atensyon ang mga biktima kaya hindi naging malala ang kanilang kalagayan, at ngayon ay nasa stable na ang kondisyon.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng City Health Office ang dahilan ng naturang insidente.