-- Advertisements --

Mahigit 4,500 pamilya o mahigit 19,400 indibidwal ang kasalukuyan ay nananatili sa mga evacuation centers dahil sa bagyong Fabian, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Base sa report ng kanilang Disaster Response Management Bureau (DRMB), sinabi ng DSWD na hanggang alas-6:00 kagabi, Hulyo 24, kabuang 4,585 pamilya o katumbas ng 19,444 katao ang nanatili sa 126 evacuation centers sa limang apektadong rehiyon o sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, National Capital Region (NCR), at sa Cordillera Administrative Region (CAR),”

Nagpahayag naman ng kahandaan ang kagawaran na magpadala ng karagdagang resources sa mga local government units na apektado ng mga pagbaha dulot ulan na ibinuhos ng habagat at pinalakas pa ng bagyong Fabian.

Anila, ipapadala nila ang kanilang Quick Response Team (QRT) para makapagbigay ng technical assistance sa mga LGUs, kung kakailanganin.