-- Advertisements --
General Bernard Banac
General Bernard Banac/ FB image

Pumalo na sa 381 o 20 porsyento ng 1,914 na presong pinalaya sa GCTA ang sumuko sa PNP as of 6:30 p.m.

Sa datos na inilabas ng PNP-Public information office, 15 ang sumuko sa NCRPO, 34 sa PRO1, 35 sa PRO2, 24 sa PRO3, 24 sa PRO4B, 67 sa PRO4B, 21 sa PRO5, 37 sa PRO6, 42 sa PRO7, 8 sa PRO8, 20 sa PRO9, 15 sa PRO10, 9 sa PRO12, 12 sa PRO13, At 18 sa PROCOR.

Sa bilang na ito, 245 na ang nai-turn over sa Bucor at 136 na lamang ang nasa pansamantalang kustodiya ng iba’t ibang himpilan ng PNP.

Ayon kay PNP spokesperson PBgen Bernard Banac, batid nila na hindi lahat susuko ang mga pinalayang preso pero magandang development ang maagang pagsuko ng marami sa mga ito.

Inaasahan aniya ng PNP na mas marami pa ang boluntaryong susuko sa mga susunod na araw, bago sumapit ang Sept. 19 deadline na itinakda ng Pangulo bago sila ipa-arresto sa pulis at militar.