nbp
Malaking tulong umano ang matagumpay na serye ng videoconferencing hearings para makalaya ang mahigit 18,000 persons deprived of liberty (PDLs) na nasa piitan dahil na rin sa pangamba ng pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga piitan sa bansa.
Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez sa ngayon 18,355 PDLs na ang napalaya mula noong Marso 17 hanggang Mayo 15, 2020.
Mula naman noong Mayo 4 hanggang Mayo 15 nasa 795 videoconferencing hearings na Ang naisagawa ng iba’t ibang korte sa bansa.
Maalalang noong nakaraang linggo, sinabi ng SC PIO na 4,683 detainees ang napalaya mula Abril 30 hanggang May 8 at 9,731 PDLs naman ang napalaya mula Marso 17 hanggang April 29.
Samantala, mayroon na rin umanong mga inmates mula sa mga pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at provincial jails ang napalaya na sa pamamagitan ng reduced bail, recognizance o pagkatapos maapgsilbihan ang minimum imposable penalty sa nagawang krimen.
Ang hakbang ng mga korte ay dahil na rin sa pagpositibo sa covid ng ilang inmates sa ilang piitan dito sa bansa.