Umabot na sa 13, 378 mga istranded na pasahero ang nakinabang na sa Libreng-Sakay program ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y sa lugar sa NCR-Plus Bubble na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine mula March 29.
Ayon kay PNP Chief Police General DeboldĀ Sinas, nakakalat pa rin ang kanilang heavy lift transport vehicles na dalawang bus, limang utility trucks, at dalawang coasters para magsagawa ng regular roundtrips sa mga designated pick-up at drop-off points.
Maliban sa libreng sakay, nagbibigay din ang PNP sa mga pasahero ng libreng face mask at bottled water.
Ang PNP Libreng-Sakay ay tumatakbo sa 7 ruta:
EDSA-Crame hanghang Meycauayan, Bulacan at San Jose del Monte City sa North;
Zapote, Bacoor, Cavite sa South; at Rodriguez, Rizal, Antipolo City at Taytay, Rizal sa East.
Tiniyak naman ng PNP na nasusunod ang 50% seating capacity ng DOTR sa public transport.
Ayon kay Sinas ang nasabing hakbang ng PNP ay para tulungan ang mga kababayan natin na mga APOR na naipit dahil sa implementasyon ng ECQ.