-- Advertisements --
BANAC
BGen Banac

Nakahanda na ang 121 trackers na Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para magsagawa ng manhunt operations laban sa mga convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay PNP-CIDG Deputy Director, Brig. Gen. Bernabe Balba, bawat tracker team ay binubuo ng limang police personnel.

Kasama rin sa manhunt operations ang PNP-Special Action Force (SAF) na magsisilbing augmentation force.

Sinabi ni PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, sisimulan na ngayong Biyernes ang manhunt operations matapos ang itinakdang deadline ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.

Sinabi ni Banac naghihintay na lamang sila sa revised lists na ibibigay ng Department of Justice (DOJ).

Tiniyak ng PNP na gagawin nila ang lahat para mahuli ang mga preso.

Giit ni Banac, paiiralin pa rin ng mga tracker teams ng CIDG ang paggalang sa human rights sa gagawin nilang pag-aresto sa mga convicts.

Kahit tapos na ang palugit na itinakda ng Pangulo para sa mga preso, maaari pa rin naman silang sumuko.

Ayon kay Banac, nakahanda pa rin ang lahat ng mga police units sa buong bansa na i-assist ang mga preso at iturn-over sa Bucor.