(Update) GENERAL SANTOS CITY – Simula na ngayong araw ang 14 days quarantine ng 102 Overseas Filipino Worker (OFW) na nakauwi na sa kani-kanilang probinsya sa Region 12 matapos na dumating sa GenSan kahapon.
Kabilang dito ang isang Pinay worker mula sa Kuwait na residente ng Banga, South Cotabato at kasama nito ang kanyang 10 days-old pa lamang na baby.
Napag-alaman na nagluwal ang hindi pinangalanang Pinay sa isang quarantine facility noong nasa sa Metro Manila pa ito.
Sa kabuuang bilang ng umuwing OFW, 24 dito ang residente ng GenSan na agad idiniretso sa isang pension pension house sa lungsod at mananatili roon ng dalawang linggo bilang pagtalima sa quarantine period.
Sinagot naman ng GenSan-local government unit ang gastos sa pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng mga ito habang naka-quarantine.
Isa-isang dumaan sa profiling at ilang test ang 102 OFW upang matiyak kung nasa magandang kondisyon ang pangangatawan bago pinayagang umalis.
Nabatid na sinalubong ang mga naturang OFW ng mga ambulansiya mula sa kani-kanilang lugar.
Nauna nang sinabi ni Airport Manager Edgardo Cueto na na-stranded sa Metro Manila ang mga Pinoy workers bunsod ng lockdown dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic