d2
-- Advertisements --

d

All-set na ang seguridad na inilatag ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paggunita ng Semana Santa at Summer Vacation.


Nasa mahigit 10,000 police officers ang ipapakalat para tiyakin na maayos at mapayapa ang peace and order ngayong Semana Santa at buong Summer vacation.

Ayon kay NCRPO chief MGen. Vicente Danao Jr., sa paggunita ng ECQ Lenten Season nasa kabuuang 1,501 na mga police officers ang kanilang idi- deploy sa ibat ibang lugar sa Metro Manila gaya ng mga simbahan, malls, palengke, at iba pang mga commercial at community areas.

Sisiguraduhin ng PNP na striktong nasusunod ang health and safety protocol gaya ng social distancing at paggamit ng face mask at face shield.

-- Advertisement --

Bukod sa mga pulis, nakipag ugnayan din ang NCRPO sa kanilang counterpart sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging sa mga Local Government Units (LGUs), kasama na dito ang nasa 15, 343 force multipliers na kinabibilangan ng mga Barangay Peacekeeping Action Team, Traffic Enforcers, Security Guards at mga Volunteer Groups para tumulong public safety services.

Siniguro naman ni Danao ang maximized deployment ng mga pulis para sa buong summer vacation na nagsimula nuong March 22 hanggang May 31,2021.

Inatasan ni Danao ang lahat ng mga District Directors at lahat ng mga station commanders para mag focus sa maximum police presence, strict implementation ng health and safety protocols, anti-criminality campaign, at iba pang mga pre-emptive measures habang nasa new normal set-up ang rehiyon.

Nasa kabuuang 8, 858 pulis ipapakalat sa mga kalye at mga vital installations ng rehiyon.

Pinalakas din ng NCRPO ang kanilang anti-criminality operations; target hardening measures; traffic management/direction and control.

Hinimok din ng heneral ang publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung may mga kahina hinalang tao o aktibidad sa kanilang mga lugar.

Siniguro ng NCRPO chief na ang mga kapulisan ay buong pwersang magseserbisyo ng Tama, Tapat, may tapang at Malasakit sa mamamayan sa gitna ng ating kinakaharap na pandemya.

Nananawagan din si Danao publiko ng kooperasyon at pagtalima sa batas upang malabanan ang pagdami ng kaso ng Covid, kasabay ng paglaban sa kriminalidad at terorismo sa Metro Manila.