-- Advertisements --
mais 4

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 10,000 ektarya ng mga pananim na mais ang naapektuhan ng tagtuyot sa Region 2.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng Department og Agriculture (DA) Region 2 na ang naapektuhan ng tagtuyot ay ang mga nagtanim ng kanilang mga mais noong buwan ng Pebrero.

Sinabi nitong 8,000 magsasaka ang naapektuhan ng tagtuyot na karamihan ay sa Isabela.

Sa naturang bilang 4,000 na ang nabigyan ng tulong.

Aniya, sinulatan niya ang apat na gobernador ng mga lalawigan sa Cagayan Valley upang humingi ng tulong para sa mga naapektuhang magsasaka ng mais at laking pasasalamat niya dahil tumugon si Governor Rodito Albano ng Isabela.

Aniya, naglaan ng P10 million si Governor Albano para itulong sa mga magsasaka ng mais habang hinihintay pa niya ang desisyon ng iba pang gobernador.