Naglabas ang Malacañang ng Proclamation Nos. 1045 hanggang 1051 na nagsasaad ng mga special non-working holiday sa ilang bahagi ng bansa ngayong Oktubre at Nobyembre 2025. Ito ay upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng mga founding anniversary, pista, at makasaysayang kaganapan sa mga nasabing lugar.
Narito ang mga detalye: Oktubre 9 — San Isidro, Surigao del Norte.
Ipinagdiriwang ang ika-66 na anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan. (Proclamation 1045) Oktubre 16 — Lapuyan, Zamboanga del Sur.
Ika-68 founding anniversary ng bayan. (Proclamation 1046) Oktubre 20 — Batac City, Ilocos Norte.
Paggunita sa ika-159 kaarawan ni Heneral Artemio Ricarte, isang kilalang heneral noong Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. (Proclamation 1047) Oktubre 28 — Dingle, Iloilo.
Pag-alala sa “Cry of Lincud”, ang unang rebolusyon laban sa mga Kastila sa Iloilo at Panay Island. (Proclamation 1048) Oktubre 29 — Mati, Davao Oriental.
Pagdiriwang ng Sambuokan Festival bilang paggunita sa pagkakatatag ng bayan bago ito naging lungsod. (Proclamation 1049) Oktubre 30 — San Isidro, Davao del Norte.
Pagdiriwang ng Sikwate Festival. (Proclamation 1050) Nobyembre 4 — Lalawigan ng Quezon.
Paggunita sa kamatayan ni Apolinario dela Cruz o Hermano Puli, isang bayani at lider-relihiyoso noong panahon ng mga Kastila. (Proclamation 1051).