-- Advertisements --

Muling itatalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office 2 sa Tugegarao si kasalukuyang Police Community Relations Deputy Director PBGen. Antonio Marallag Jr. epektibo ngayong Lunes, Oktubre 6 ng kasalukuyang taon.

Isa sa marallag sa mga nakatanggap ng mga bagong assignment at nakatakdang palitan si PRO 2 Director PBGen. Roy Parena kung saan nakatakdang magsagawa ng turn-over ceremony sa PRO 2 Grandstand.

Magugunita naman na nito lamang Agosto ay naitalaga si Marallag bilang Police Community Relations Deputy Director sa Crame bago muling iatalaga bilang regional direktor sa rehiyon.

Samantala, hindi naman nabanggit sa naging special order kung saan nakatakdang italaga si Parena matapos mamuno sa rehiyon sa loob ng dalawang buwan.