-- Advertisements --

Aminado si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na ikinagulat nito ang pagkakaroon ng halos lahat ng senador ng 19th Congress ng isiningit na mga item sa ilalim ng 2025 national budget.

Sa isang panayam, sinabi nito na aabot sa ₱100 bilyon ang mga inserted item ng mga ito batay na rin sa mga hawak nitong dokumento.

Paliwanag ng senador , ang mga ito ay naka tag na ngayon “for later release”.

Paglilinaw pa nito na sa ngayon ay hindi pa nito nasisilip ang kabuuan ng listahan ngunit sinabi nito na marami rin mga kongresista ang gumawa ng parehong insertions.

Aniya, hindi naman awtomatikong sinasabi na ilegal ang insertions o amendments sa budget.

Nagiging kwestiyonable lang aniya ang ganitong mga hakbang lalo na kung aabot sa ₱5-9 bilyon ang bawat insertion.

Plano namang tanungin ng senador sa budget deliberations ang mga kinauukulang ahensya kung bakit pinayagan nila ang ganito hakbang.