Sa kabila ng coronavirus pandemic, mapapanood na ngayong araw ng Linggo ang Digital Dinagyang 2021.
Ito’y hindi lamang ng mga taga-Iloilo, kundi maging ng buong mundo.
Bukod sa performance ng mga digital warriors, matutunghayaran din sa 360-view Dinagyang ang iba’t ibang shots sa mga tourist spot sa Iloilo City kabilang ang mga simbahan, plaza, esplanade at marami pang iba.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na ang Digital Dinagyang 2021 ay bunga ng tapang at talino ng mga artist, directors, choreographers, at working committees sa likod ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated (IFFI).
Ayon naman kay Atty. Joebert Peñaflorida, presidente ng IFFI, handa na ang lahat ng materyal at alas-7:00 ng umaga simulang ipapalabas.
Para sa mga tribu, mayroong special awards na matatanggap kagaya ng People’s Choice Award, Best in Choreography, Best in Performance, Best in Music, at Best in Production Design.
Ang lahat ng perfomances ng mga tribu at ang istorya sa likod ng bawat presentasyon ay mapapakinggan at mapapanood live sa Bombo Radyo Iloilo, sa Facebook Live, at sa www.bomboradyo.com na siyang official website ng Bombo Radyo Philippines.