-- Advertisements --
sea games cauldron bcda
SEA Games cauldron/ Photo courtesy of Bases Conversion and Development Authority

Dahil pa rin sa inaasahang pagbuhos ng mga bisita at mga turista sa nalalapit na South East Asian Games at holiday season, inilagay na ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang kanilang status sa pagbabantay sa mga paliparan at mga pantalan sa buong kapuluan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigpit daw ang kanyang direktiba sa mga tauhan ng BI na mahigpit na bantayan ang lahat ng mga papasok at lalabas ng bansa.

Inaaasahan kasing aabot sa tatlong pursiyento ang itataas ng arrivals at departures ngayong holiday season.

Maliban kasi sa mga balikbayan at turistang bubuhos sa mga susunod na linggo, inaasahan na rin ng BI ang karagdang 8,000 delegates kabilang na ang mga atleta, media, technical officials, volunteers, fans, at audiences na dadagdag sa bilang ng mga paparating sa bansa.

“We are expecting up to 3% increase in arrivals and departures this holiday season. We are certain that there will be more tourists and balikbayans who will be flying in this Christmas. Even more now that the SEA Games will be held in the country, we are projecting an added 8,000 delegates including athletes, media, technical officials, volunteers, fans, and audiences,” ani Morente.

Una rito, nagdagdag na ang BI ng 600 na tauhan para paghandaan ang nalalapit na SEA Games maging ang holiday season.

Layon nitong mapabilis at magkaroon ng smooth immigration inspection sa SEA Games.

Base sa records ng Immigration, papalo sa 1.5 million ang dumating sa Pilipinas habang 1.2 naman ang lumabas noong December 2018 lamang.