Sinasabing naging tradisyon na sa Amerika na malalaking NBA teams ang nagbabanggaan sa espesyal na Christmas Day games habang sa Thanksgiving Day naman ay para sa football.

Ilan sa aabangan na laro ay ang defending champion na Lakers, nandiyan din ang Heat, Bucks, Nets, Celtics, Clippers at Mavs.

Ang kanilang mga laro ay tinawag din na nakakaintriga dahil sa posibleng pagbandera nila sa playoffs pero ngayon pa lamang ay meron na silang early-season matchups.

Ang 2020-21 NBA season ay pormal namang bubuksan sa December 22 (23 Dec PH).

Narito ang matchups sa Christmas Day:

Pelicans vs. Heat
Warriors vs. Bucks
Nets vs. Celtics
Mavericks vs. Lakers
Clippers vs. Nuggets