Tinapos ng Miami Heat ang kanilang seven-game road trip upang talunin ang Oklahoma City Thunder, 108-94.

-- Advertisement --

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Heat mula sa huli nilang pitong games para sa kanilang 14-17 kartada bago bumalik sa kanilang home base.

Para naman sa Thunder, natikman nila ang ika-19 na talo mula sa 12 panalo ngayong season.

Duncan RObinson Miami heat
Miami’s spark plug Duncan Robinson (@MiamiHEAT)

Umeksena si Duncan Robinson sa opensa sa pamamagitan ng 22 points kasama na ang naipasok na anim na 3-pointers.

Nagdagdag naman si Kendrick Nunn ng 20 points at nine assists, habang si Bam Adebayo ay nagbuslo ng 19 at 13 rebounds.

Sa pagsisimula ng fourth quarter rumatsada ang Miami sa 15-0 run kahit wala ang five-time NBA All-Star na si Jimmy Butler na nagpahinga muna sa loob ng huling 12 minuto.

Samantala sa kampo ng Thunder si Shai Gilgeous-Alexander ay nagpakawala ng 27 points pero halftime pa lamang ay lumamang na sa kanila ang Heat, 63-40.

Ang next game ng Thunder ay host sila sa game laban sa San Antonio Spurs sa Huwebes.

Host din naman ang Heat kontra sa Toronto Raptors sa nasabi ring araw.