-- Advertisements --

Nagsama-sama ang mga health experts at consumer advocates para hikayatin ang gobyerno na mabigyan ng tamang pagpipilian ang mga naninigarilyo kasi tuluyang tanggalin ang alternatibo gaya vapes at e-cigarettes.

Sa ginanap na Harm Reduction and Nicotine Summit nitong Oktubre 15 na pinangunahan ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP), kasama ang Smokefree Conversations PH, Philippine E-Cigarette Industry Association (PECIA), Quit for Good, Consumer Choice Philippines, VaperAko, VapersPH, CAPS at Science & Innovation Nicotine Advocacy Group (SINAG) ay nanawagan na dapat hindi higpitan ang smokers sa makabago at proven science-backed alternatives.

Pumirma rin ang grupo ng manifesto na nanghihikayat sa gobyerno na mag-adopt at itaguyod ang science-based policies na nagpo-protekta sa kalusugan ng publiko habang nirerespeto ang karapatan ng consumers.

Nanawagan din sila ng reporma sa tax, mas mahigpit na pagpapatupad ng anti-illicit trade measures at ligtas na alternatibo para tulungan na magbago ang mga smokers.