-- Advertisements --

Kuwestiyonable sa paglalaro si Atlanta Hawks star Trae Young sa kanilang Game 4 ng Eastern Conference Finals laban sa Milwaukee Bucks.

Ito ay dahil sa nagtamo ito ng right ankle injury sa pagtalo ng Hawks noong Game 3.

Tiniyak naman ni Hawks coach Nate McMillan na mayroon itong isasabak kapalit sa puwesto ni Young.

Magugunitang nakuha ni Young ang injury sa ilang segundo ng natitira sa third quarter ng Game 3 kung saan nagtala ito ng 32 points.

Hawak ng Bucks ang 2-1 na advantage ng talunin nila ang Hawks 113-102.