-- Advertisements --

Pinahiya ng Atlanta Hawks ang Milwauke Bucks upang makuha ang Game 1 sa Eastern Conference finals, 116-113

Bigong tapatan ng Bucks ang mga diskarte ni Trae Young na nagbuhos ng 48 points, habang si Clint Capela naman ang nagpasok ng huling puntos may 29.8 segundo ang nalalabi sa game.

May tiyansa pa sana ang Milwaukee star na si Khris Middleton para sa posibleng 3-pointer sa closing seconds pero sumablay.

Sa kabuuan nag-ambag si Middleton ng 15 points, na inalat din sa anim lamang na puntos mula sa 23 pagtatangka kabilang na ang sablay na siyam na tira sa 3-point attempts.

Nasayang din ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo na may kabuuang 34 points, 12 rebounds at nine assists para sa Bucks na dinagdagan din ni Jrue Holiday ng 33 points at 10 assists.

Ang Game 2 ay gagawin sa Sabado doon muli sa Milwaukee.

Batay sa kasaysayan ng prangkasi ang Hawks ay hindi pa nanalo ng Eastern Conference finals mula nang lumipat sila sa Atlanta noong taong 1968.

Umabot na rin ang Hawks sa Eastern finals noong 2015, pero na-swept sila ng Cleveland.