CAGAYAN DE ORO CITY -Isinailalim ng ‘hard lockdown’ ang barangay na sakop ng Kauswagan, Lanao del Norte dito sa Northern Mindanao.
Ginawa ni Kauswagan Mayor Rommel Arnado ang hakbang alinsunod sa limang locally stranded individuals (LSIs) na nag-positibo ng coronavirus disease nang isinailalim ng rapid diagnostic test matapos masundo sa paliparan ng Laguindingan ng Misamis Oriental at pantalan ng Cagayan de Oro City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Arnado na dahil rito ay nasa halos 300 pamilya ang pinagbawalan muna makalabas ng kanilang mga bahay para ma-contain ang pagkalat ng bayrus.
Inihayag ng alkalde na kung maari rin sana ay malimitahan muna ng national government ang mga pagpapauwi ng LSIs at returning OFWs habang marami pa ang nasa isolation facilitites sa mga probinsya.
Kasulukuyang mayroong 30 na positive cases ng bayrus ang Lanao del Norte kung saan 28 rito ay pawang LSIs at returning OFWs.
Magugunitang matapos sinimulan ang balik-probinsya program ay mabilis ang paglobo ng mga positibong kaso ng bayrus sa lahat ng mga rehiyon sa bansa.