Tinanggap na ni retired Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio ang naging hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na magharap sila sa isang debate ukol sa West Philippine Sea (WPS).
Sa kaniyang “talk to the people,” binatikos ng presidente ang patuloy na pagsasalita ni Carpio ukol sa territorial issue laban sa China at ang napanalunang ruling mula sa The Hague.
Wika tuloy ng Pangulo, kahit magdebate na lang daw sila ng retiradong mahistrado, dahil lagi naman itong nagsasalita ukol sa WPS.
“Supreme Court justice, pareho man tayo abugado. Gusto – eh gusto mo mag-debate tayo?,” pahayag ng Presidente.
Pero nitong Huwebes lamang, tinanggap na ni Carpio ang naturang hamon ng chief executive.
“On President Duterte’s challenge to debate with me on the West Philippine Sea issue: I gladly accept the challenge anytime at the President’s convenience,” wika ni Carpio.