-- Advertisements --
Kinondina ng Hamas ang ginawang panibagong pag-atake ng Israel sa Ein el-Hilweh refugee camp sa Lebanon.
Tinawag nila ito ng ‘massacre’ na dapat ay panagutin si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ikinasawi ng 13 katao.
Sinabi ni Ali Baraka, ang senior Hamas official, na ang target ng Israel ay ang Palestinian refugees sa Lebanon.
Ito na ang itinuturing na pinakamadugong pag-atake ng Israel sa refugee camp ng mga Palestino.
Nanawagan ito sa mga bansa na dapat ay protektahan ang mga refugee camps ng mga Palestino.
Giit naman ng Israel na ang ginawa nilang pag-atake ay dahil sa impormasyon na doon nagtatago ang mga Hamas militants.
















