Tiniyak ng Pambansang Pulisya ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa Independent Commission for Inrastructure, Ombudsman, at mga ahensiya ng gobyerno sa imbestigasyon ukol sa maanomalyang infrstructure projects.
Binigyang diin ni Philippine National Police Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na ang serbisyo ng kapulisan ay di’ lamang nakapokus sa pagpapatupad ng batas kundi maging pagtaguyod sa katotohanan.
“Bilang tagapangalaga ng batas at tagapagtanggol ng katotohanan, tungkulin ng PNP na tiyakin na ang bawat imbestigasyon ay isinasagawa nang may integridad at katarungan. Hindi kami magpapadala sa anumang impluwensiya o kompromiso sapagkat bawat hakbang na aming ginagawa ay nakatuon sa katapatan, pananagutan, at paghahatid ng hustisya para sa sambayanang Pilipino,” ani PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.
Sa isinagawang High Command Conference, ginanap sa Camp Crame, Quezon City, dinaluhan mismo ng ICI at iba pang mga pangunahin ahensiya ng pamahalaan.
Magugunitang kabilang sa mga dumalo ay sina PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr, DPWH Secretary Vince Dizon, AFP Chief of Staff GEN Romeo S. Brawner Jr, at mga kinatawan ng ICI na sina Commissioner Rogelio L. Singson, PGEN Rodolfo Azurin (Ret.), GEN Ariel Caculitan, Atty. Raymond R. Rojas, Atty. Rufino Mantos III, at Chairperson Justice Andres B. Reyes Jr. (Ret.).
Layon anila sa isinagawang command conference na palakasin ang mga hakbang ng Ombudsman, DOJ, PNP NBI, AFP, a DPWH sa imbestigasyon ng mga ‘ghost projects’ sa bansa.
Kung kaya’t tiniyak ng hepe ng pambansang pulisya ang papel at tulong ibinibigay partikular sa intelligence, forensic, at investigative support mapalakas lamang ang imbestigasyon.
Naniniwala naman si DPWH Secretary Vince Dizon na ang koordinasyon katuwang iba’t ibang mga ahensiya ay kritikal kasabay ng anunsyong pagkakaroon ng mga tauhan sa iba’t ibang rehiyon matiyak lamang pagiging lehitimo ng mga proyekto.
Habang ayon kay PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño, buo ang suporta ng pambansang pulisya sa pagbabahagi ng suporta at pagpapatibay ng mga kaso.
Dahil rito’y paninindigan ni PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr, na patuoy ang pakikipagtulngan ng kapulisan laban sa katiwalian.
















