-- Advertisements --
Sinunog ng mga Israeli settlers ang ilang mga bodega sa Bedouin village, sa Palestine.
Sa nasabing insidente ay ilang Palestino ang nasugatan.
Nagtayo kasi ang Israel ng 160 settlements kung saan naninirahan ang nasa 700,000 na Jews mula ng sakupin nila ang West Bank at Eas Jerusalem.
Bagamat itinuturing ng United Nations na iligal ang mga settlements ay hindi pa rin ito pinansin ng Israel.
Tinawag naman ni Palestinian Authority Minister Muayyad Shaaban na ang ginawa ng Israel ay isang uri ng terorismo.
















