-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Qatar at Egypt ang tugon ng Israel sa ceasefire deal.

Kasunod ito sa pagpayag ng Hamas sa ceasefire deal na inialok ng mediators mula sa Qatar at Egypt.

Kabilang sa nasabing kasunduan ay ang pagkakaroon ng ceasefire ng hanggang 60 araw at ang tuluyang pagpapakawala ng mga bihag.

Ang nasabing proposal ay kahalintulad na inilatag ni US Middle East envoy Steve Witkoff noong buwan ng Mayo.

Bagamat wala pang tugon ang Israel ay nais ng Egypt na doblehin ang pagpresure sa Israel hanggang tuluyan na itong pumayag.