DAGUPAN, CITY- Nahuli sa isinagawang buy bust operation ang dalawang suspek matapos makuha mula sa kostudiya ng mga ito ang shabu na may bigat na humigit kumulang 1 kilo sa barangay Naguilayan, bayan ng Binmaley ngayong araw.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, tinatayang aabot sa P6,800,000 ang kabuuang halaga ng mga nakuhang droga mula sa mga suspek.

Kinilala ang mga sangkot sa naturang krimen ay sina Roscius Dadacay Pabillo, at Jim Resuello Romero.

Nasabat din mula sa mga suspek ang isang piraso ng 1000 peso bill at tatlong bundle ng tig-P1-K boodle money na ginamit bilang buy bust money.

Kasama rin sa mga ginamit ng mga naturang indibidwal ang isang unit ng cellphone at isang L300 na sasakyan sa pagsasagawa ng kanilang pakiki-pagtransaksyon sa kanilang mga parokyano.