Sapat na raw ang P13,873 kada buwan na budget ng isang pamilyang binubuo ng 5 miyembro para matustusan ang kanilang pangunahing pagkain at non-food requirements noong nakalipas na taon ayon sa Philippine Statistics Authority.
Base 2023 official poverty statistics, sinabi ng PSA na maikokonsiderang hindi mahirap ang pamilyang may 5 miyembro kapag ang kanilang minimum basic food at non-food expenses ay mas mababa sa P13,873 kada buwan.
Subalit, sinabi din ng PSA na ang poverty threshold ay magkakaiba sa bawat rehiyon sa bansa dahil hindi din pareho ang bills at gastusin.
Kung saan ang poverty threshold sa Metro Manila ay di hamak na mas mataas na nasa P15,713, sa Central Luzon naman at Calabarzon ay nasa P16,046 at P15,457.
Pinakamababa naman na poverty threshold ay sa Soccsksargen na nasa P12,241.
Inulat din ng ahensiya na ang national poverty incidence sa mga pamilya noong nakalipas na taon ay nasa 10.9% o katumbas ng 2.99 milyong pamilyang Pilipino ang walang sapat na income para matustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan na pagkain at iba pang non-food items.