Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na aabot sa Php441.25 million na halaga ng kita ang nawala sa Mindoro sa loob ng dapat sana’y 22 araw ng palaisdaan na aapektuhan ng oil spill.
Ayon kay BFAR director Demosthenes Escoto, nasa mahigit 26,000 na mga mangingisda ang direktang naapektuhan ng oil spill mula noong Marso 31 na sanhi ng kanilang pagkalugi sa kanilang arawang kita na P714.
Batay kasi sa datos ng kagawaran, mayroong 26,719 rehistradong mga mangingisda ang apektado ng nasabing oil spill at Php714 na arawang kita na nawala sa kanila ay may katumbas na halos Php20 million na pagkalugi.
Ibig sabihin, ang total income loss ng mga ito ay aabot sa Php441,253,428 sa loob ng 22 fishing days.
Habang tinatayang nasa kabuuang Php445,333,928 ang halaga ng mga napinsalang kagamitan, paraphernalia, at pasilidad at iba pa nang dahil pa rin sa oil spill.
Bukod dito ay iniulat din ng BFAR na mayroon din itong nadetect na minimal level ng policyclic aromatic hydrocarbons sa mga lugar na apektado ng pagtagas ng langis na nakakapinsala naman sa mga tao at iba pang living organisms.
Dahil dito ay inirekomenda ng bureau na panatalihin muna ang fishing ban sa mga apektadong lugar habang nagpapatuloy naman ang kanilang ginagawang time-series analyses doon.