-- Advertisements --

NAGA CITY- Tinatayang aabot sa halos 15 mga heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. San Agustin, Canaman, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Eduardo Nidea, 53-anyos, pedicab driver, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Canaman, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na naaresto ang suspek sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Canaman PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Narecover dito ang nasa 14 heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at buy bust money.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang desposisyon habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng nasabing mga ipinagbabawal na gamot.