-- Advertisements --

Pinayagan nang makabalik sa kanilang tahanan ang halos 900 evacuees na unang inilikas dahil sa mga serye ng pag-alburoto ng bulkang Kanlaon.

Batay sa opisyal na report, kabuuang 254 pamilya na katumbas ng 897 katao ang pinayagang mag-decamp at bumalik sa kanilang tahanan, kasunod na rin ng naging rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng Canlaon City.

Ang mga naturang pamilya ay mahigit anim na taon ding nanatili sa iba’t-ibang mga evacuation center mula sa La Carlota City South Elementary School II, La Carlota North Elementary School, at La Carlota City College-Cubay Campus.

Kasabay ng kanilang pagbabalik-tahanan ay pinapayagan na rin ang kanilang-mga anak na bumalik sa face-to-face classess.

Sa kabila nito, hanggang 64 pamilya o katumbas ng 232 indibidwal ang mananatili pa rin sa evacuation center sa Canlaon City dahil apektado ang kanilang tahanan sa direktang banta ng bulkan.

Ang bahay ng mga ito ay nasa loob ng itinalagang danger at expanded danger zone.

Patuloy namang makakatanggap ang mga ito ng tulong mula sa pamahalaan, habang nananatili sa mga evacuation center.