Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 899 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Mayroon namang 1,667 na gumaling at 188 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (17,052) ang aktibong kaso, 97.7% (2,765,920) na ang gumaling at 1.70% (48,205) ang namatay.
Ayon pa sa DoH update, dalawang laboratoryo ang hindi operational noong November 25, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Samantala, may pitong duplicates ang inalis sa total case count.
Lumalabas kasing naka-recover na pala ang mga ito, matapos ang gamutan.