Naging matatag ang performance ng Pilipinas sa Labor Market nitong buwan lamang ng Hunyo makaraang makapagtala ito ng mas mataas na trabaho sa bansa.
Batay sa tala ng Labor Force Survey ng PSA, pumalo sa 96.3% ang employment rate, katumbas ng 50.47 milyong Pilipino.
Ang numerong ito ay mas mataas kumpara sa naitalang 96.1% employment rate noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.
Naitala rin ng ahensya ang pagbaba sa underemployment rate ng 11.4% mula sa 12.1% nitong Hunyo.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Department of Economy Planning & Development , nagpapahiwatig lamang ito na bumubuti ang oportunidad sa trabaho.
Tiniyak rin ni DEPDev Sec. Balisacan na patuloy nilang pagtitibayin ang edukasyon at pagsasanay.
Naniniwala ang kalihim na sa ganitong pamamaraan ay matitiyak ang dekalidad na trabaho para sa mga kabataan.