-- Advertisements --
Aabot na umanon sa halos 850 na mga sibilyan ang napatay dahil sa paglusob ng Russia sa Urkraine.
Ayon sa United Nations human rights office na kabilang sa nasawi ang 64 na mga kabataan.
Ang nasabing listahan ay mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 24.
Aabot naman sa 1,339 na mga sibilyan din ang nasugatan kabilang ang 78 mga bata.
Malaki rin ang paniniwala ng UN na ang nasabing bilang ay mas mataas kaysa sa aktuwal na kanilang talaan.