-- Advertisements --
COVID Wuhan China virus hospital doctors
Health facility in China (@Chinaembmanila)

Umabot na sa halos 60,000 ang bilang ng mga naitatalang COVID-related death sa China sa loob lamang ng isang buwan.

Ito na ang itinuturing na kauna-unahang “major toll” sa nasabing bansa na inilabas ng mga awtoridad mula nang luwagan pa ang ipinapatupad na virus restriction sa Beijing sa unang bahagi ng Disyembre 2022.

Batay sa opisyal na ulat na inilabas ng National Health Commission (NHC), papalo na sa 59,938 ang kasalukuyang kabuuang bilang ng mga naitalang mga pagkamatay na may kaugnayan sa nasabing sakit mula Disyembere 8 hanggang Enero 12, 2023.

Ayon sa head ng Bureau of Medical Administration – National Health Commission na si Jiao Yahui, mula sa naturang kabuuang bilang ay umaabot na sa 5,503 rito ay nasawi nang dahil sa respiratory failure dahil sa nasabing virus.

Habang papalo naman sa 54,435 ang mga binawian ng buhay dahil sa iba pang mga karamdaman ng mga ito na mas lumala dahil sa kompetisyong dulot ng COVID-19.

Kung maalala, una rito ay sinabi na rin ni World Health Organization chief Adhanom Ghebreyesus na magpapatuloy sil sa paghingi ng rapid, regular, at reliable na mga datos ng hospitalization at pagkasawi ng mga pasyente.