-- Advertisements --

Kinumpirma umano ng Bureau of Immigration (BI) na nasa Pilipinas pa ang lahat ng mga napalayang heinous crime convicts na nagawaran ng good conduct time allowance (GCTA).

Maalalang sa isang press briefing sa Malacanag, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang sumuko ang halos 2,000 inmates sa loob ng 15 araw.

Sa ipinadalang mensahe ngayong hapon ni Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesperson Markk Perete, base sa preliminary report mulas sa BI, wala pa sa mga bilanggong napalaya sa pamamagitan ng GCTA ang nakalabas ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Perete na makikipagpulong ngayong araw ang interim oversight committee ng DoJ at Bureau of Corrections (BuCor) para talakayin ang coordinating mechanisms at magsasagawa ng inspection sa piitan.

Sa ngayon, aabot na sa 76 heinous crime convicts na napalaya dahil sa good conduct ang sumuko sa mga otoridad.

Maalalang noong Miyerkules, sinabi ni Duterte na kailangang sumuko ang mga napalayang inmates para ma-recompute ang naibigay sa kanilang GCTA.