-- Advertisements --

Humigit kumulang 26 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 25 ay kabuuang 56,254,529 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok.

Sa naturang bilang, 30,298,860 dito ang first dose habang 25,955,669 naman ang second dose.

Kabuuang 538,836 doses naman ng COVID-19 ang naiturok sa buong bansa kahapon lamang, ayon kay Roque.

Samantala, sa Metro Manila, sinabi ng opisyal na mahigit 17.6 million doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok na.

-- Advertisement --

Sa ngayon, 95 percent aniya ng mga residente sa Metro Manila ang nabigyan ng first dose, habang 85.79 percent naman ang fully vaccinated.