-- Advertisements --
BI bureau of immigration

Nasa 242 foreign nationals ang pinabalik ng gobyerno ng Pilipinas sa kanilang mga bansa matapos matuklasang iligal na nagtratrabaho dito sa Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Immigration, ang nasabing exclusion order ay isinagawa matapos masibak sa kanilang puwesto ang 800 Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kontrobersiyal na “pastillas scheme” na ibinunyag ng isang empleyado nito.

Karamihan sa mga dayuhan ay dumating sa iba’t ibang port ng bansa pero natuklasang nagtatrabaho ng iligal sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ang mga dayuhan ay kinabibilangan ng mga Cambodians, Vietnamese, Indonesians, Myanmars, Malaysians at Chinese.

Kamakailan nang ibinuyag ni BI officer Allison Chiong ang naturang scheme at sinasabing nasa P10,000 ang kailangang bayaran ng mga banyaga para mabigyan ng VIP treatment pagpasok ng bansa.