Nasa 24,880 na ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa uniform curfew hours sa National Capital Region simula ng ipatupad ito nuong March 15,2021.
Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Guillermo Eleazar nasa 7,870 ang binigyang ng warning ng PNP, nasa 9,401 naman ang pinagmulta.
Nasa 13 ang kinulong at na-inquest na sa korte at nasa 6,544 naman ang pinalaya at for regular filing habang 1,052 naman ang pinagawan ng community service.
Paalala ni Eleazar na lalo pa nilang hihigpitan ang pagbabantay sa mga checkpoints mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Nasa 6,410 police personnel ang ipinakalat ng NCRPO para sa checkpoint operations.
Ang Manila Police District parin ang may pinaka maraming nahuli na curfew violators na umabot sa 7,266.