-- Advertisements --
Pinangangambahang nasa 2,000 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Libya.
Ang nasabing sama ng panahon ay dulot ng bagyong Daniel na nanalasa sa silangang bahagi ng bansa.
Maraming mga bahay ang inanod ng tubig baha.
Nanawagan naman ang mga opisyal doon sa medical team na magtungo sa Derna City ang lungsod na labis na sinalanta ng bagyo.
Pinalikas naman ang mga nasa pagamutan ng Bayda City dahil sa nasabing malawakang pagbaha.
Nagpapatuloy na ang ginagawang pagrescue ng mga opisyal sa nasabing nasalanta ng bagyo.