TOKYO, Japan – Nasa 87 pasahero ng isang high speed ferry ang sugatan matapos bumangga sa isang marine animal sa karagatan ng Japan kahapon, Sabado.

Batay sa inisyal na report ng Japan Coast Guard, limang katao ang seryosong nasugatan sa aksidente na nangyari bago pa dumating sa Sado island ang nasabing fast craft mula sa isang maiksing biyahe sa mainland.

Ayon sa isang marine wildlife expert na posibleng bumangga ang jetfoil ferry sa isang whale.

Nagtamo ng damage sa likurang bahagi ang nasabing ferry.

Iniimbestigahan na ngayon ng Japan Coast Guard ang sanhi ng aksidente na nangyari bandang 12:15 p.m.

Ang nasabing jetfoil ferry ay mayroong 121 pasahero at apat na crew, nakarating din sa kanilang destinasyon ang barko kahit nasangkot ito sa aksidente.   (AFP)