Nadagdagan pa ng 98 ang bilang ng mga patay sa nakalipas na araw dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang mga ito ay pawang nagmula sa Mainland China.

Dahil sa karagdagang nasawi, pumalo na ngayon sa 1,873 ang death toll sa buong mundo, dahil sa nasabing sakit.

Habang ang mga nagpositibo naman ay umakyat na sa 73,333.

Sa kabila nito, may mga naka-recover din na 12,712 mula sa mga dating infected.