Nasa kabuuang 9,634 police personnel ang ipapakalat at ang pagtatalaga ng nasa 373 checkpoints sa ibat ibang strategic areas dito sa Metro Manila ang ipatutupad ng PNP kasunod ng implementasyon ng uniform curfew hours epektibo ngayong ara March 15,2021.
Ayon kay PNP OIC Lt Gen. Guillermo Eleazar may mga police augmentation forces din ang ide deploy mula sa PNP Highway Patrol Group (HPG), Reactionary Standby Support Force (RSSF) at iba pang units na inatasan nuon na magsagawa Red Teaming operations.
Magsisimula ang curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga layon nito na lahat ay susunod sa minimum health safety standard protocol.
Siniguro ni Eleazar na magkakaaroon ng malakas na police visibility sa kalakhang Maynila.
Binigyang-diin din ni Eleazar na sa panig ng PNP Administrative Support on COVID-19 Task Force (ASCOTF), kaniyang sisiguraduhin na may kaukulang protective equipment ang mga pulis para maiwasan na sila ay mahawa sa Covid-19 virus.
Sa panig naman ng Joint Task Force COVID Shield na pinamumunuan ni Police LtGen Cesar Hawthorne Binag, lahat ng pulis ay sasailalim sa pre-deployment briefing para paalalahanan ang polisiya ng IATF at ang rules on regulations sa uniform curfew hours mula Metro Manila Council.
Pinatitiyak Eleazar na magiging maayos ang pagbabalik ng mga checkpoint sa Metro Manila.
Paalala nito sa mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance at igalang ang karapatang pantao.
Sa ganitong paraan anya kasi ay maiiwasan ang kumprontasyon sa mga tao.
Samantala, umapela naman din sa publiko si Eleazar na sumunod sa minimum health safety standard protocols at irespeto ang mga pulis na nagpapatupad ng ordinansa.
Dagdag pa ng heneral, ang PNP ay hindi kaaway at ang kaaway sa panahon na ito ay ang COVID 19 kaya kailangan ng kooperasyon para mapigilan ang pagkalat nito.