-- Advertisements --
Nasa 9,634 na kapulisan mula sa National Capital Regional Police Office ang aalalay sa mga local government unit para sa pagpapatupad simula ngayong araw ng 15 days uniformed curfew.
Sinabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na siya ring nagsisilbing officer-in-charge ng PNP na ang pagtatalaga ng PNP ay para matiyak na nasusunod ng mga tao ang ipinapatupad na minimum health standard.
Maglalagay rin ang PNP ng 373 checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.
Manggagaling sa iba’t-ibang unit ng PNP ang itatalaga sa mga checkpoints.
















