Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, na naaayon sa batas ang gagawing hakbang ng mga barangay officials sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-restrict muna ang paggalaw ng mga unvaccinated individuals sa kani-kanilang mga barangay.
Dinepensa ng kalihim ang naging desisyon ng pangulo dahil ginagawa lamang nito ang kaniyang trabaho bilang chief executive lalo na ngayon na nasa public health emergency ang bansa.
Paglilinaw ng kalihim na ang pag-aresto sa isang indibidwal ay ang huling resort na gagawin sa isang hindi bakunadong indibiwal.
Ayon kay Ano, dapat pakiusapan muna ang mga ito na pumirmi sa bahay, maaari lamang arestuhin ang isang unvaccinated individual kung hindi ito makipagtulungan sa mga otoridad at ituloy pa rin ang pag-alis sa kanilang mga tahanan para sa non-essential purposes.
Pinayuhan ni Ano ang publiko na dalhin palagi ang kanilang mga vaccination cards at ipakita sa mga barangay officials at police officers bilang proof of vaccination.
Binigyang-diin ni Año, na ang mga barangay officials ay mga persons in authority at duty bound para ipatupad ang direktiba ng pangulo.
Sa ngayon pitong LGUs sa Metro Manila ang naglabas ng ordinansa hinggil sa pag restrict sa mobility o galaw ng mga unvaccinated individuals sa kanilang respective jurisdictions.
Ito ay ang Caloocan City, Quezon City, San Juan City, Valenzuela City, Pateros, Las Pinas City at Taguig City.
Habang ang ibang LGUs sa NCR ay nasa proseso pa sa pag deliberate sa nasabing ordinansa.
Una rito naglabas ng resolution ang Metro Manila mayors na i-restrict ang galaw ng mga unvaccinated at partially vaccinated.
Mahigpit din ipinagbabawal ang mga ito mula sa indoor at al fresco dining, hotels, country clubs, leisure trips at mga establishments at public transportation.