-- Advertisements --
Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng ating bansa hanggang sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.
Kasunod ito ng patuloy na paglakas ng pag-iral ng hanging habagat sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Pero sa pagtaya ng Pagasa, wala nang hahabol na bagyo bago matapos ang buwan ng Mayo.
Sinabi ng weather bureau na magiging makulimlim hanggang sa may malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Pinag-iingat naman ang lahat sa pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa western section o sa mga lugar na nasa direksyon ng West Philippine Sea.
Kung may mga bagong tropical cyclone na mabubuo sa karagatang malapit sa Pilipinas, maaari pang lumakas ang nararanasang southwest monsoon.