CAUAYAN CITY- Inaresto ang isang Security Guard matapos mag-amok at magpaputok ng baril sa Mango Farm sa Barangay Wigan, Cordon, Isabela.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, ang suspect ay si Rey Dela Vega, 40 anyos, may asawa, security guard at residente ng nasabing lugar.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang umanoy dalawang biktima sa pagpapautok ng baril ng pinaghihinalaan
Nakatanggap ng tawag ang Cordon Police Station ukol sa umanoy panggugulo at pagpapaputok ng baril ni Dela Vega.
Ayon sa dalawang nagsumbong, itinutok at pinaputok ang baril ng pinaghihinalaan sa kanilang direksyon.
Sa pagtugon ng mga kasapi ng Cordon Police Station ay naaktuhan umano ng mga otoridad ang suspect na bitbit ang isang Cal. 45 na baril na may 6 na bala kayat kaagad na inaresto.
Lasing ang suspect nang madakip ng mga pulis.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na madalas masangkot sa gulo si Dela Vega ngunit todo tanggi na sa kanya nasamsam ang naturang barill.
Kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms), attempted homicide at grave threat ang kakaharapin ng suspect.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng pulisya na dati nang may kahalintulad na kaso ang suspect