-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nahirapang makahinga at nawalan ng mala yang 25 mga estudyante dahil sa naganap na komosyon sa Soledad Duterte National High School sa Baliok, Toril, Davao City.
Ayon sa isang estudyante isang guro ang tinotukan ng patalim ng estudyante sa Grade 7 kaya nangyari ang komosyon.
Kaagad na rumesponde ang ambulansya ng Rescue 911.
Dahil sa pangyayari sinuspende na lamang ang klase sa Soledad Duterte National High School.
Kaagad namang dumagsa ang mga magulang upang matingnan ang kaligtasan ng kanilang anak.
Nagsagawa na ng karagdanang imbestigasyon ang Toril Police Station.