-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang guro matapos na aksidenteng masagi ang isang kotse sa Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Gerald Guaves, 24-anyos, residente ng Zone 2, Barangay Mataoroc, Minalabac, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ng biktima ang kalsada papunta sa bayan ng Sipocot lulan ng kaniyang motorsiklo angkas si John Michael Lasala, 22-anyos, nang aksidente nitong mabunggo ang isang galang aso.

Dahil sa insidente, nawalan ng kontrol sa kaniyang minamanehong motorsiklo si Guaves dahilan para aksidente nitong masagi ang kasalubong nitong kotse na minamaneho naman ni Jimmy Naisod, 41-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dahil sa nasabing insidente nagtamo ng sugat sa iba-t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit ideniklara ring dead on arrival ng mga doktor.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagwang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.