-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang public school teacher na nagsa-sideline bilang food delivery rider matapos bumangga sa isang dump truck sa C.P Garcia Highway, Bypass road, Ulas, Davao City.

Kinilala ang biktimang si Jon Lee, nagtuturo sa Doña Carmen Denia National Hight School at resident ng No. 6 Venus Street, Oiedad, Toril Davao City habang ang dump truck driver ay si Hector Sabangan Jr, residente ng Sadaan, Midsayap, North Cotabato.

Inihayag ni Police Major Sean Logronio, hepe ng Talomo PNP na matindi ang natamong mga sugat ng biktima na halos nahati pa umano sa dalawa ang katawan nito na nag-resulta ng kanyang agarang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, parang nagmamadali umano ang biktima kaya kahit naka-red light na ay humarorot pa rin ito ng takbo kung kaya nahagit ng dumptruck.

Nakaladkad pa umano ang motor nito at nagulungan pa ang biktima kung kayat halos madurog at hindi na makilala ang hitsura ang katawan nito.

-- Advertisement --

Ang bahagi ng pahayag ni Police Major Sean Logronio ang hepe ng Talomo PNP.