CENTRAL MINDANAO-Kinansela Commission on Elections (Comelec) 1st division ang certificate of candidacy (COC) ni Sultan Kudarat gubernatorial candidate Datu Pax Ali Mangudadatu.
Nilabas ng Comelec ang desisyon noong Enero 18,2022 at kumalat sa social media.
Isinampa ang dalawang disqualification case ang laban kay Pax Ali Mangudadatu na dating alkalde ng Datu Abdullah Sangki Maguindanao.
Inihain ang petisyon nina gubernatorial candidate Sharifa Akeel-Mangudadatu,Azel Mangudadatu at Bai Ali Untong sa Comelec.
Unang lumabas ang kopya ng Comelec decision sa Facebook account ni Maguindanao 2nd District Congressmal Esmael “Toto” Mangudadatu.
Nagpasalamat naman si Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International 2018; Miss Asia Pacific International 2018 at Sultan Kudarat Gubernatorial candidate Sharifa Akeel Mangudadatu sa desisyon ng Comelec.
“Kami po ay nagagalak na iparating sa inyong lahat na naging matagumpay ang inihain na petition sa COMELEC laban po sa aking katunggali na tatakbo bilang Gobernador sa ating Probinsya.
Tayo po ay nagtagumpay sa First Division kung saan malinaw na nakasaad sa kopya na kinansela po ang kanyang kandidatura.
Hindi po ito isang gawa-gawang balita dahil ang ating pinagbasehan ay ang desisyon mula sa COMELEC.
Sagot naman ni Atty Cyrus Torreña na hindi pa “final and executory” ang kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC) ni Datu Pax Ali Mangudadatu.
Sinabi Torreña, maaari pang umapela sa Comelec ang kampo ni Datu Pax Ali Mangudadatu hanggang sa Supreme Court.
Giit ni Torreña na maituturing pa rin na kandidato at kasali sa listahan ng Comelec si Datu Pax Ali.